Nagwagi ang Brooklyn Nets matapos lumamang ng tatlong puntos kontra Milwaukee Bucks sa nba sa iskor na 126-123.
Pinadapa ng Nets ang Bucks sa ikalawa at ikatlong quarter pero nakuhang itabla ng Bucks ang iskor sa huling quarter.
Nanguna sa koponan si Kyrie Irving na nakapagtala ng 38 points, 5 rebounds at 5 assists habang nasayang naman ang 30 points ni Bobby Portis, 29 points ni Giannis Antetokounmpo at 25 points ni Khris Middleton ng Bucks.
Abangan naman sa Martes, Marso a-1 ang susunod na laban ng Nets kung saan, kanilang makakaharap sa ring ang Toronto Raptors alas-8:30 ng umaga. —sa panulat ni Angelica Doctolero