Pinangunahan ni Brooklyn Nets Guard Kyrie Irving ang pagkapanalo laban sa Indiana Pacers sa iskor na 129-121.
Inabot din ng 35 games na hindi nakapaglaro ngayong season si Irving dahil sa isyu na hindi ito nagpapabakuna hanggang ngayon.
Sa kanyang debut game, agad naman siyang isinama sa starting lineup kasama sina Kevin Durant at James Harden.
Sa una ay halata pa na medyo may kalawang sa kanyang laro si Irving pero sa huli ay bumalik ang galing nito sa pagiging veteran point guard.
Umiskor si irving ng 22 points, apat na assist, tatlong rebound at tatlong steals sa loob lamang ng tatlumpu’t dalawang minuto.
Naipasok din niya ang apat sa free throw line pero inalat sa three point area habang nagpasok siya ng siyam sa 17 field goal attempts.