Nasungkit ng Brooklyn Nets ang ika-apat na sunod nilang panalo.
Ito ay matapos pataubin ang kalabang Philadelphia 76ers sa iskor na 116 – 108.
Tumipa si Spencer Dinwiddie ng dalawangpo’t pitong (27) puntos habang sumikwat naman ng dalawangpo’t dalawang (22) puntos si D’angelo Russel para pangunahan ang Nets.
Dahil naman sa kabiguan, nasadlak ang 76ers sa ikatlong sunod nilang pagkatalo.