Hindi maipapangako ng Department of Energy na magiging brown-out free ang eleksyon sa susunod na taon.
Ayon sa DOE, ito ay dahil sa posibleng maka-apekto ang El Niño phenomenon sa suplay ng kuryente.
Gayunman, tiniyak ng DOE na gumagawa sila ng paraan upang maging stable ang suplay ng kuryente sa darating na eleksyon kung saan gagamit ng automated machines.
Matatandaang ibinabala ng PAGASA ang mas matinding epekto ng El Niño na tatagal hanggang 2016.
By: Ralph Obina