Tiyak nang didribol sa 2023 Southeast Asian games sa Cambodia si naturalized player Justin Brownlee mula May 5 hangang 17.
Ayon ito ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Bambol Tolentino dahil siguradong nakumpleto na ni Brownlee ang mga dokumento nito bago magsimula ang sea games.
Tiwala si Tolentino na mababawi ng Pilipinas ang kampeonato sa men’s basketball ng sea games sa pagsama kay Brownlee sa team.