Bigo ang Department of Energy (DOE) na makapagbigay ng kategorikal na kasiguruhan na hindi makakaranas ng brownout ang bansa sa 2016, ang taon ng Presidential elections.
Ayon kay DOE OIC Zenaida Monsada, sa ngayon ang projection nila para sa 2016 ay aabot ng 13,300 megawatts ang available supply ng koryente habang 12,000 megawatts ang demand kaya magkakaroon ng 1,300 megawatts na over supply.
Hindi pa kasama ang inaasahang epekto ng El Niño phenomenon sa projections na ito.
Hindi naman umano inaasahan na magiging matindi ang epekto ng El Niño sa Luzon at Visayas pero iba ang sitwasyon sa Mindanao dahil dependent ito sa hydropower plants.
Gayunman, tumatanggi si Monsada na magbigay ng kategorikal na assurance dahil mahirap aniyang ibigay ito kung may isinasaalang-alang pa rin na mga uncertainties.
By Mariboy Ysibido