Darating na sa bansa sa Disyembre ang ikatlong cutter ng Philippine Navy na donasyon ng Amerika.
Ang BRP Andres Bonifacio ay may sakay ng 80 Pinoy crew members na sumailalim sa pagsasanay sa naturang barko na dating ginagamit ng US coastguard na naka base sa Alameda, California.
Hulyo nang ilipat sa Philippine Navy ang naturang barko sa pamamagitan ng US excess defense articles program.
Unang barko na ibinigay ng Amerika sa Pilipinas ang isang research vessel na pinangalanang BRP Gregorio Velasquez.
By: Judith Larino