Pinasinayaan na ang BRP Davao Del Sur, ang pinaka malaki at pinakabagong barko ng Phil Navy.
Ayon kay Phil NAVY public information officer Capt Lued Lincuna, ito ang ikalawang unit ng amphibious landing dock na gawa sa bansang Indonesia.
May kakayanan, aniya, ang barkong ito para sa floating command and control lalo na sa pagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster response at pag de deploy ng tropa sa mga isla.
Ang pondo sa pagbili nito ayon kay Lincuna ay mula sa Apat na Bilyong Pisong afp modernization act trust fund.
Ang BRP Davao Del Sur ay katulad ng BRP Tarlac.
Nakatakda itong dumating sa Pilipinas sa kalagitnaan ng susunod na taon.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal