Muling lumayag sa ika-limang pagkakataon ang BRP Pampanga ng Philippine Coast Guard (PCG) patungong Iligan City upang maghatid ng karagdagang tulong para sa mga bakwit.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, bukod sa mga relief goods ay sakay din ng BRP Pampanga ang mga doktor at health workers na magsasagawa ng medical at dental mission sa evacuees ng Marawi City.
Gayundin, lulan din ng nasabing barko ang mga hygiene kits, mga laruan para sa mga bata at mga upuan mula sa DepEd o Department of Education.
Samantala, sinabi rin ni Balilo na nanatiling nakataas ang alerto ng Philippine Coast Guard para hindi makatakas ang mga miyembro ng Maute group palabas ng Marawi City.