Sumiklab ang sunog sa BRP Ramon Alcaraz ilang oras matapos itong maglayag mula sa Cochin, India pabalik ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt/Cmdr. Ma. Christina Roxas, nangyari ang sunog sa engine room ng nasabing barko.
Dalawa naman ang nasugaran sa nangyaring sunog na nagtamo ng 2nd degree burn na agad dinala pabalik ng Cochin para bigyan ng atensyong medikal.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng damage assessment ang mga engineer na sakay ng barko upang alamin kung ligtas pa bang maglayag ito o kinakailangang bumalik sa pantalan ng Cochin para isailalim ito sa pagkukumpuni.
Nabatid na galing ng India ang nasabing barko para sunduin ang ilang Pinoy repatriates gayundin ay para kumuha ng mga donasyon para sa mga Pilipinong frontliners laban sa COVID-19.