Ginamit ng Pilipinas ang isa sa dalawa nitong strategic sealift vessel na BRP Tarlac, dalawang landing craft units at dalawang UH-1d Helicopters.
Sa panig naman ng America, ibinida nila ang black hawk helicopter ng U.S. Army at Osprey Aircraft ng U.S. air force.
Sa halip na armas, kahon-kahong tubig, pagkain at gamot ang dala ng mga sundalong Amerikano at Pilipino pagbaba nila mula sa barko at eroplano.
Nagsagawa rin ang militar ng medical mission, dental check up at operation tuli sa mga residente ng Casiguran sa Dibacung Elementary School.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal