Idineploy na ng Philippine Coast Guard ang BRP Teresa Magbanua para sa unang misyon nito sa Makassar, Indonesia.
Ang nasabing multi-role response vessel ay lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise 2022 simula Mayo a – 22 hanggang a – 29.
Bukod sa PCG, kalahok din sa nabanggit na aktibidad ang kanilang counterpart mula Indonesia at Japan.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, ide-deploy din ng PCG ang BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua at BRP Cape Engaño.
Layunin ng naturang aktibidad na paigtingin ang kakayahan ng Pilipinas, Indonesia at Japan sa pag-responde tuwing may insidente sa karagatan tulad ng oil spill, sunog at iba pa.
Ang BRP Teresa Magbanua ang pinaka-moderno at bagong barko ng Philippine Coast Guard na binili sa Japan sa halagang P7.2-B.