Inanunsiyo ng pamilya ng aktor na si Bruce Willis na tinamaan ito ng sakit na tinatawag na Frontotemporal Dementia (FTD).
Ayon sa Mayo Clinic, ang FTD ay ang umbrella term para sa mga sakit sa utak na pangunahing nakakaapekto sa frontal at temporal na lobe. Ang mga naturang bahaging ito ng utak ay karaniwang nauugnay sa personalidad, pag-uugali at wika.
Samantala, iniyahag rin ng pamilya ni Bruce na sa kasalukuyan ay wala pang gamot para sa nasabing sakit.
Mababatid na nakabilang si Willis sa mga sikat na pelikula na ‘die hard’, ‘pulp fiction’ at ‘the sixth sense’.