Nakatanggap ng mga donasyong test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas mula sa pamahalaan ng Brunei Darussalam.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 20 units ng COVID-19 test kit ang ibinigay ng Ministry of Health ng Brunei sa Pilipinas.
Anila kaya nitong magsagawa ng aabot sa 1,000 mga tests para sa COVID-19.
Personal na ipinabot nina Bruneian Ambassador to the Philippines Johariah Wahab at Third Secretary Normasdianah Hassem ang mga donasyong test kits kina Health Secretary Francsico Duque III At Foreign Affairs Asec. for Asia and Pacific Affairs Meynardo Montealegre noong Abril 8.
Kaugnay nito, nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat ang pamahalaan sa pamamagitan ng DFA para sa mga natanggap na donasyon at tulong ng Pilipinas mula sa mga karatig bansa.
Ipinakikita anila nito ang pagkakaroon ng matatag na relasyon ng bawat bansa sa kabila ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.