Nagpatupad nang mahigpit na protocols ang bansang Brunei para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay matapos maitala ang unang locally transmitted case ng nasabing sakit sa bansa sa loob ng isang taon.
Ayon sa health ministry ng nasabing bansa, pitong community infection ang nakita kaya isinara ng pamahalaan ang mga lugar ng dasalan at pinagpaliban ang mga pagtitipon sa loob ng dalawang linggo.
Nilimitahan din sa tatlumpong katao ang mga mass events, pati na rin ang dine-in sa mga restaurant.
Nilapat na rin sa online ang mga isinasagawang klase sa bansa.
Kalahati naman sa 347 na kaso ay galing sa labas ng bansa.
Nananatiling COVID-19 free ang brunei at simula ng pandemya, tatlo pa lang ang naitatalang patay dahil sa naturang sakit..—sa panulat ni Rex Espiritu