Nangangailangan ang Brunei ng 200 nurse at 30 doktor para madagdagan ang kanilang healthcare workers.
Ayon sa Department of Labor and Employment, muling hiniling sa Pilipinas ng pamahalaan ng Brunei na huwag silang isama sa deployment cap ng Filipino healthcare workers.
Sinabi ni labor attaché Melissa Mendizabal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na hindi nalalayo ang sahod ng hospital staff sa sinasahod ng mga nars sa Singapore.
Maliban sa healthcare workers, sinabi pa ni Mendizabal na nangangailangan din ang Brunei ng Filipino workers para sa oil and gas at household service sectors.
Sa ngayon, nasa 20,000 overseas Filipino workers o OFWs ang nasa Brunei.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico