Pinatumba ng Philippine National Football Team na AZKALS ang Brunei, 5-1, sa nagpapatuloy na AFF Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
Tila naging pagbawi ito ng koponan sa pagkatalo nito sa opening game nang talunin ito ng host Country na Cambodia sa score na 3-2.
Ito naman ang unang pagkapanalo ng AZKALS sa bago nilang coach na si Josep Ferre.
Samantala, dadayo naman ang AZKALS patungong Thailand sa Dis. 26 para sa susunod nitong laban. —sa panulat ni Hannah Oledan