Taliwas sa mga espekulasyon, hindi magpe-perform ang Grammy-winning artist na si Bruno Mars sa night ng 65th Miss Universe pageant sa Enero 30.
May dugong Pinoy si Bruno dahil ang nanay niya ay Pinay habang Puerto Rican naman ang kanyang ama.
Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, may pinaghahandaang world tour si Mars kaya’t hindi ito maaaring dumalo sa pageant.
Sinabi ni de Castro na may mga international performers sa Miss Universe pageant pero ipapaubaya na lamang nila sa mga organizer ang pag-aanunsiyo kung sinu-sino ang mga ito.
By Jelbert Perdez