Idinemanda ng isang female rap group ang half Pinoy singer na si Bruno Mars.
Inakusahan si Bruno ng grupong “The Sequence” na kinopya lang umano nito ang Grammy winning single hit na “Uptown Funk”
Kasama din sa nireklamo ang co-artist ng singer na si Mark Ronson.
Ayon sa grupo kapareho raw ng “Uptown Funk” ang kanilang 1970s hit na “Funk You Up”.
Base naman sa mga dokumentong isinumite sa Korte, ang hit single na ito ni Bruno ay mayroong “substantially similar compositional elements” o sa madaling salita ay may pagkakahawig sa kantang “Funk you up”
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na maharap sa kaparehang kaso si Bruno kaugnay ng kontrobersyal na awitin.