Muling binuksan ang Brussels Airport sa Belgium, 12 araw matapos atakihin ng suicide bombers na ikinasawi ng 16 katao.
Kakaunti lamang ang mga pasaherong pinasilbihan ng airport sa muling pagbubukas nito.
Kabilang dito ang tatlong scheduled flights patungong Faro, Portugal na mayroon lamang 60 hanggang 70 pasahero sa kabuuan.
Ayon sa Chief Executive ng Brussels Airport, maituturing na emosyonal na araw ang reopening ng paliparan subalit senyales ito ng pag-asa.
By Judith Larino
Photo Credit: Benoit Doppagne/AFP/Getty Images