Kinondena ng Philippine National Police ang karumal-dumal na pagpaslang ng New People’s Army sa apat na pulis sa Davao Del Sur.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, ipinakitang muli ng mga rebeldeng komunista ang kanilang trademark na walang awang pagpatay.
Dagdag ni Carlos, non-combatant ang mga pulis na tinambangan ng NPA na pawang laboratory technician at technical specialist mula sa Scene Of the Crime Operatives na reresponde lang sana sa crime scene ng isang kaso ng murder sa barangay Sibayan, sa Bansalan.
Sa ngayon, hindi muna anya papangalanan ng PNP ang mga napaslang na pulis habang pinaaalam pa sa pamilya ng mga ito ang kanilang sinapit.
By: Drew Nacino