Ikinabigla at ikinalungkot ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) ang brutal na pagpatay ng isang Taiwanese sa asawa nitong Pilipina sa Makati City.
Sa ipinalabas na official statement ng TECO, hindi nila inaasahan na magagawa ng isa nilang kababayan ang pagpatay sa biktimang si Rowena Kuo.
Si rowena ay pinatay ng asawang si Kuo Yuan-Chang dahil sa hinalang mayroon itong kalaguyo.
Ayon sa TECO , hindi katanggap tanggap sa mga taiwanese ang krimen at umaasa sila sa patas na pagdinig sa kaso.
Ipinaabot ng TECO ang pakikiramay sa pamilya ng biktima .
By: Aileen Taliping (Patrol 23)