Hiniling ni Senator Imee Marcos na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang isagawa sa December 5, 2022.
Sa naging sesyon sa senado, sinabi ng senadora ang final report ng Committee on Electoral Reforms na kaniya ring pinamumunuan, gayundin ng Committee on Finance at Committee on Local Government, matapos ang pagtalakay sa Senate Bill 1306.
Ayon kay Marcos, ang pagpapaliban ng dalawang halalan ay ginawa nang ‘’relentlessly’’ o walang humpay.
Sinuportahan naman ito ni Sen. Christopher Bong Go at Senator Ramon Revilla Jr., co-sponsor ng panukalang batas, na ang isa pang pagpapaliban ay hindi umano maiiwasan pero mapapawi nito ang lumalaking tensyon sa antas ng barangay levels.
Dagdag pa ni Marcos na gagastos ang COMELEC ng mahigit 18.4 billion pesos na dapat ay 8.4 billion pesos lang kung itutuloy ito para sa December, 2022 elections.
Iginiit ni Marcos na hindi ito maaaring lumampas sa 15% o mahigit 9.6 billion pesos.
Tiniyak naman ng COMELEC na nakahanda sila sakaling ituloy ang eleksyon sa darating na Disyembre.