Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaproblema ang Anti-Money Laundering Council o AMLC at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung hindi ito tatalima sa kanyang utos.
Ito ang babala ng Pangulo sa AMLC kasunod ng ulat sa kanya ng Department of Justice o DOJ na nahihirapan umano itong kumuha ng dokumento sa nasabing ahensya ng gobyerno na sinasabing nag-iimbestiga sa ilang personalidad na nasa likod ng bilyong pisong money laundering.
Sa talumpati ng Pangulo sa ika-80 anibersaryo ng National Bureau of Investigation o NBI, sinabi nito na dapat lumapit at makipagtulungan na ang mga tauhan ng AMLC sa DOJ kaysa siya mismo ang magpatawag sa mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Binanggit pa ng Pangulo ang naging pagbubunyag ni Senador Antonio Trillanes sa kanya umanong tagong-yaman ngunit hindi naman siya inimbestigahan ng AMLC.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)