Dinedma ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa di umano’y mabagal na pagtugon nito at ng AMLC sa hinihinging bank records bilang ebidensya kaugnay sa New Bilibid drug trade.
Tikom ang bibig ni BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo sa mga bagong pahayag ng Pangulo bagkus ay iginiit nito ang pagiging independent ng BSP.
Binigyang diin din nito na hindi nag seserbisyo ang BSP mga pulitiko
Matatandaang sinabihan pa ng Pangulo ang BSP at AMLC na magbitiw na lamang sa pwesto kung hindi kayang gawin ang kanilang trabaho.
By: Rianne Briones