Pumanaw na sa edad na 60 si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor Espenilla Jr.
Dati nang sinabi ni Espenilla na patuloy ang siyang sumasailalim sa pagsusuri ng mga doktor dahil sa kanyang sakit na tongue cancer.
Noong March 2018, inihayag ni Espenilla na natapos na ang kanyang radiation treatment kaya’t kumpiyansa siyang maayos na ang kanyang kalusugan.
Ngunit pagsapit ng September 2018, inanunsyo ng BSP governor na kailangan niya ng mahaba-habang leave upang ipagpatuloy ang kanyang medical treatment.
Habang nagpapagamot si Espenilla, pansamantala munang humalili sa kanya bilang officer in charge sina Deputy Governors Diwa Guinigundo, Chuchi Fonacier at Maria Almasara Cyd Tuaño-Amador.