Sasailalim din sa self-quarantine si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Ito, ayon kay Diokno, ay dahil nakasalamuha niya si Finance Secretary Carlos Dominguez na nagkaroon naman ng close contact sa isang pasyenteng nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Diokno na mas mabuting magpasaialim siya sa quarantine bagamat maayos naman ang kaniyang kalusugan.
Sumailalim na rin sa self-quarantine si presidential adviser for flagship programs and projects secretary Vicencio Vince Dizon.