Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, na nakatanggap na sya ng first shot ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa 73 anyos at senior citizen na BSP official, kabilang s’ya sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna kasama ng mga healthcare workers at ng mga nasa edad na 18 hanggang 59 years old at mga mayroong co-morbidities.
Inihayag ni Diokno na maging ang mga miyembro ng BSP policy-setting monetary board ay tinurukan na rin ng COVID-19 vaccine noong nakalipas na Miyerkules sa Red Cross headquarters sa Mandaluyong City.
Sinabi pa ng opisyal na base sa kanyang karanasan at ng iba pang kawani ng BSP, wala silang naramdaman na anumang epekto o adverse effect matapos maturukan ng bakuna.
Hinimok naman ni Diokno ang publiko na agad tanggapin ang vaccine sakaling mabigyan ng pagkakataon na maturukan nito.