Hindi na magbibigay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng palugit o grace period para mabayaran ang mga utang o loans sa dalawang linggong ECQ sa Metro Manila.
Batay sa inilabas na pahayag ng BSP, maaari namang makipag-ugnayan ang mga kliyente sa kani-kanilang mga bangko para humirit ng “financial relief” habang naka ECQ kahit hindi na maglalabas ng mandatory moratorium ang BSP.
Hinihikayat naman din ng BSP ang mga financial institutions na nasa ilalim ng Central Bank na i-renew, i-restructure o i-extend ang “term of loans” ng kanilang mga kliyente bilang konsiderasyon sa financial situation ng ilan ngayong ECQ.