Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na suportahan ang energy transition ng bansa, hard-hit Micro, Small and Medium Enterprises o MSMES maging ang sektor ng agrikultura bilang bahagi ng mas malawak na pagbabago sa sustainable finance ng bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno sinimulan na nilang iproseso ang nasa mahigit $550-M na investment sa green bond fund sa ilalim ng Bank for International Settlements.
Sinabi ni Diokno na kanilang sinisilip ang investment strategy upang isaalang-alang ang mga gastusin ng pamahalaan sa gitna ng pandemiya.
Layunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maging maayos ang regulatory environment, Sustainable Finance Framework o SFF at Environmental and Social Risk Management Framework o ESRMF, na magiging batayan para mapagtagumpayan at masuportahan ang pananalapi ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero