Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ingatan ang mga bagong perang papel na matatanggap ngayong kapaskuhan.
Kaugnay ito sa mataas nang demand ng bagong perang papel na nakaugalian ng ipamigay ng mga Pinoy bilang aguinaldo o regalo tuwing pasko.
Ayon kay Maja Gratia Malis, deputy director ng BSP, mas maraming bagong perang papel na nagpapalipat-lipat sa mga tao ay mas malaki rin ang tiyansang mamataan ang umiikot na mga pekeng pera.
Makakatipid din aniya ang bansa kung mabababawasan ang pag-imprenta ng mga bagong perang papel.