Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtangay ng empleyado ng Eastwest Bank sa pondo ng dalawa nitong depositors.
Sa isang pahayag sinabi ng BSP, na sisimulan na nilang silipin ang napabalitang unauthorized transactions sa naturang bankgo makaraang isiwalat ito ni ACT CIS partylist representative Nina Taduran.
Mababatid ani Taduran na ilang daang milyong pisong deposits ng dalawang kliyente ng bangko ang natangay.
Kasunod nito, kinumpirma ng Eastwest Bank na may naganap ngang insidente ng nakawan pero hindi na nila idinetalye kung magkano ang nanakaw ng kanilang babaeng branch manager.
Sa kabila nito, siniguro ng BSP na ligtas pa rin naman ang pera ng sinuman sa mga bangko sa bansa.