Ililipat na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagawaan ng barya at perang papel sa new Clark City sa Tarlac mula sa kasalukuyan nitong pasilidad sa Quezon City ayon mismo kay Governor Benjamin Diokno.
Inaasahang makukumpleto ang ginagawang pasilidad ng BSP bago pa man magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Diokno, matapos ang kanilang pag-iikot sa bansa at paghahanap ng lugar, ang new Clark City ang kanilang napili.
Sa pinirmahang Memorandum of Understanding (MOU) ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA), pinagtutulungan ng dalawang ahensya para makumpleto ang pagpapatayo ng bagong pasilidad na may sukat na 29.22 hectares
Oras na mag umpisa na ang produksyon ng pera sa bago nitong lugar ay ibebenta na ng BSP ang kasalukuyang pagawaan ng pera.
Magkakaroon ng bidding ang ilang mga pribadong kumpanya at private sector developers para sa naturang pasilidad.
BSP at BCDA pumirma na ng Memorandum of Understanding
Pumirma na ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa paglilipat ng produksyon ng pera sa New Clark City.
Mismong sina BSP Governor Benjamin Diokno at BCDA President at CEO Vivencio Dizon ang pumirma sa naturang kasunduan.
Nakapaloob sa MOU ang pagtutulungan ng dalawang ahensya para makumpleto ang pagpapatayo ng bagong pasilidad ng BSP na may sukat na 29.22 hectares.
Makatutulong ang gagawing paglipat ng produksyon ng BSP lalo na sa panahong tumama ang mga kalamidad sa bansa.
Matatandaang ang BCDA ang siyang developer ng New Clark City sa Capas, Tarlac.