Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mas mataas na inflation rate o bilis sa paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo para sa buwan ng Pebrero.
Ito ay bunsod na rin ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at isda.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, posibleng maitala sa 4.7% ang inflation ngayong buwan o sa pagitan ng forecast range na 4.3% hanggang 5.1%.
Mas mabilis ito sa naitalang 4.2% infation rate noong enero at target ng pamahalaan na 2.4 %.
Samantala sinabi ni Diokno na makatutulong naman sa downward price pressure sa Pebrero ang pagpapatupad ng pansamantalang price cap sa mga produktong karne sa NCR, matatag na presyo ng bigas at mababang singil sa kuryente ng Meralco.