Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayad sa mga serbisyo sa ika-apat na bahagi ng 2018.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang 5.9 percent na inflation sa huling bahagi ng taon na mas mabagal kumpara sa 6.2 percent sa ikatlong quarter ng 2018.
Ang mababang inflation ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market, globalization ng food supply at pagtatag ng palitan ng piso kontra dolyar.
Dahil dito, naitala ang full year inflation rate sa 5.2 percent na mas mataas sa national government target range.
—-