Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inflation forecast ngayong 2018 at 2019.
Ipinabatid ni BSP Assistant Governor Francisco Dakila Jr. na mula 4.9 percent ay inaasahang aakyat pa sa 5.2 percent ang inflation outlook para sa taong ito.
Sinabi ni Dakila na binago nila ang inflation forecast para sa susunod na taon kung saan lumobo na ito sa 4.3 percent mula sa 3.7 percent.
Nananatili namang nasa 3.2 percent ang inflation forecast nila para sa taong 2020.
Ayon kay Dakila, nakaapekto dito ang higit sainaasahang antas ng inflation nuong agosto maliban pa sa epekto ng Bagyong Ompong at ang mas mabagal na paglago ng gross domestic product sa unang bahagi ng 2018.
Subalit sa ginawang revision, inihayag ni Dakila na maaaring bumalik sa target range ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsyento ang 2019 inflation sakaling maisabatas na ang Rice Tarrification Bill.