Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa pagtatapos ng taong ito.
Ayon iyan sa BSP matapos bumaba sa 3% ang inflation rate ng bansa sa ikalawang bahagi ng kasalukuyang taon na mas mababa kumpara sa 3.8% na naitalang inflation rate noong 1st quarter.
Ayon kay Dennis Lapid, direktor ng Department of Economic Research, pinananatili ng BSP ang kanilang projection sa 2.7% inflation para sa buwan ng Hunyo.
Dahil sa pagbaba ng kanilang expectations, sinabi ni Lapid na ganitong kaaga pa lamang ay naabot na ng BSP ang kanilang target na 3% inflation rate sa taong 2020.