Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot ang pito hanggang siyam na porsyentong growth rate ng bansa sa gitna ng lumalalang bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, kayang mapagtagumpayan ng bansa ang mga hamon na kinakaharap ngayong pandemiya.
Tiniyak din ni Diokno na may sapat na cash buffers para sa external shocks at manageable bad debt levels maging ang bumabagal na inflation at sumisiglang bank lending dahil nananatiling matatag ang banking system sa Pilipinas.—sa panulat ni Angelica Doctolero