Maglalaan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P35-B para sa inisyal na pondo sa Maharlika Wealth Fund (MWF).
Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila Junior, handa nilang ilaan ang 50% mula sa kanilang dibidendo habang ang nalalabing bahagi ay para sa kapital.
Pero kung fully capitalized, ilalaan naman anya ng BSP ang buong dibidendo sa MWF.
Samantala, tiniyak naman ni Dakila na hindi magagalaw ang foreign reserve ng Bangko Sentral. —sa panulat ni Jenn Patrolla