Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng ‘commemorative coins’ para sa selebrasyon ng ika–70 taon ng central banking sa Pilipinas at ika–25 taong anibersaryo ng BSP.
Kabilang sa ilalabas ng BSP ay ang 10,000 pisong ‘gold commemorative coin’ na nagkakahalaga ng 127,500 pesos at 500 pisong ‘silver commemorative coin’ na nagkakahalaga ng 3,500 pesos.
Sa mga interesado, hinikayat ang mga ito na umorder nang hindi lalampas ng January 15 “on a first mail – in, first listed basis.
Isang uri lamang ng bawat commemorative coins ang maaring bilhan kada indibwal at isasagawa lamang ang cash payment at pick up ng naturang mga limited coins mula 9:00 hanggang 2:00 ng hapon sa mga pinakamalapit na sangay ng BSP.