Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng larawan ng ‘faceless’ na P100.00 sa social media.
Ayonsa BSP, posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa ating komersyo ang patuloy na pagpo – post ng naturang mga pera.
Posible anilang bumaba ang kumpiyansa ng mga negosyante at mga tao sa kredebilidad ng ating pera.
Una nag inamin ng BSP na printing glitch ang naging problema kaya lumabas ang P100.00 mayroong buradong mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas.