Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa mga pekeng pera ngayong nasa panahon ng demonitization ang mga old banknote series.
Dapat umanong siguruhin na sa bangko ipapalit ang mga pera at hindi kung kani-kanino lamang upang makasiguro.
Nabatid na ang mga old banknote series na unang ginamit taong 1985 ay maaari na lamang magamit hanggang sa huling araw ng Disyembre ng kasalukuyang taon at tanging mga bagong pera o yung mga inisyu noong 2010 na lamang ang siyang magagamit na pambayad sa mga produkto at serbisyo sa 2016.
Kasunod nito, nilinaw ng BSP na puwede pa ring ipalit sa mga bangko ang mga lumang pera.
By Mariboy Ysibido