Muling nanawagan sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa mga namemeke ng pera.
Kasunod ito ng pagkakadakip sa isang Cameroonian national matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng pekeng 100 dollars banknote at pagkakaaresto rin ng isa pang nag-ngangalang Gonki Gregory Abueh.
Ayon sa mga otoridad, si Abueh ay naaresto ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Quezon City Police Anti-Cybercrime team at BSP’s payments and Currency Investigation Group (PCIG) makaraang ikasa ang entrapment operation sa lungsod ng Makati.
Sa pahayag ng BSP, ang pagkakaaresto sa mga namemeke ng pera ay magsilbi na sanang aral at paalala sa publiko para mas maging alerto ang bawat isa hinggil sa isyu.
Nagpaalala naman ang BSP na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon ng pamemeke ng pera.