Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugna’y sa umano’y pekeng pera na inilalabas ng mga Automated Teller Machines (ATMs).
Ayon sa BSP, dapat ugaliin ng publiko ang ‘feel, look at tilt’ o yung pagkapa at pagsuri sa pera upang maiwasan ang mga pekeng salapi.
Kung may pagdududa ang publiko sa kanilang perang ni-withdraw, sinabi ng BSP na agad itong ipag-bigay alam sa bangko na nagmamay-ari ng machine.
Sila aniya ang gagawa ng imbestigasyon kung galing sa kanila ang pera at kung peke ito.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10951, mahaharap sa pagkakakulong ang gumagawa ng pekeng pera ng hindi bababa sa 12 taon at multang hindi hihigit sa P2M. —sa panulat ni Abigail Malanday