Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na hindi dapat binebenta at binibili ang bagong labas na P1K bill na gawa sa polymer.
Ayon sa BSP, dahil marami ang nagandahan sa bagong disenyo ng P1K bill ay posibleng pagkakitaan ang naturang pera.
Binigyang diin ng BSP na nagkakahalaga lamang ang bagong P1K bill katumbas ng face value nito at maaari na rin itong gamitin sa pagbabayad at iba pang mga transaksyon.
Una nang nagbabala ang BSP na hindi dapat binibili sa mas mataas na halaga ang mga bagong P20 at P5 coins. - sa panulat ni Mara Valle