Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko ngayong na hindi pa sila naglalabas ng mga bagong disenyo ng barya.
Ayon sa BSP, kumakalat sa social media ngayon ang ilang mga demonetized coins o mga barya na wala na sa sirkulasyon.
Anla, ang mga barya na kumakalat sa social media ay parte ng “ang bagong lipunan” coin series noong 1975 at hindi na ginagamit mula pa noong 1998.
Mababatid na sa kasalukuyan ang mga barya na ginagamit at nasa sirkulasyon ay ang new generation currency o ngc coins na inilabas noong 2019.
Bukod dito, nagpaalala ang bsp sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa social media pagdating sa mga balita tungkol sa disenyo ng philippine banknotes at coins.