Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP laban sa tinatawag na “pasalo” sa auto loan scheme na galing sa carnapping syndicates.
Sa inilabas na abiso ng BSP, sinasabing ang target ng “pasalo-benta scheme” ay ang mga vulnerable car buyers.
Ayon sa BSP, sa pakikipagtulungan sa mga law enforcement agency, maaaring makapag-isyu ng alerto sa mga sasakyang mula sa carnapping syndicate.
Ngunit posible umanong wala ng maging habol pa ang buyer ng mga ganitong klaseng sasakyan dahil sa palsipikado ang mga hawak nilang dokumento.
Ilan pa umano sa scheme ay ang rent-tangay, rent-sangla, loan accommodator scheme at labas-casa scheme.