Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay sa kumakalat na bagong itsura ng P20-coin.
Sinabi ng BSP na wala itong ipinalalabas na “brilliant uncirculated P20 coin” kaya’t dapat mag-ingat ang publiko sa mga online seller na nagbebenta ng nasabing barya.
Ang new generation currency ng P20-coin ay inilabas ng bsp nuon pang december 2019.
Ipinabatid ng BSP na hanggang nitong Agosto ay umabot na sa mahigit 2-milyong piraso ng P20-coin ang nailabas sa sirkulasyon na nagkakahalaga ng sa P41.85-milyon.