Mahigpit na nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa mga pekeng pera.
Kasunod na rin ito nang pagsalakay ng mga otoridad sa isang pagawaan ng pera sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa BSP, tatlong bagay ang kailangang gawing para matukoy kung peke ang perang hawak.
Una ay salatin, tingnan at itagilid ang pera kung saan, ang tunay na pera ay maaaring masalat ang security paper, embossed prints at tactile marks.
Makikita rin ng malinaw ang watermark, security fiber, asymmetric serial number at see-through mark ang tunay na pera.
At kapag nakatagilid, makikita ang security thread, concealed value, optically variable ink at enhanced value panel para sa P500 at P1, 000 at optical variable device patch.
Nagpaalala ang BSP sa publiko na ugaliing i-check ng mabuti ang bank notes para maiwasang makakuha o makatanggap ng pekeng pera.