Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko kaugnay sa kumakalat na pekeng P1,000 bill.
Sa gitna na rin ito ng imbestigasyon ng BSP sa report sa social media at messaging apps ng mga pekeng P1,000 perang papel.
Pinayuhan ng BSP ang publiko na gamitin ang feel look tilt methods para i-check ang security features ng mahahawakang P1,000 bill.
Umapela rin ang BSP sa publiko na kaagad isumbong sa kanilang payments and currency investigation group sa e-mail na currencyinvestigation@bsp.gov.ph o maging sa mga otoridad ang anuman o sinumang sangkot sa pamemeke ng pera.